S’YARAW
Sa talampas ng bayang Tignal
- Anino A: Psst… San ka pupunta?
- Anino B: Duon, sa malayo. May hinahanap lang ako. May gagawin ako.
- Anino A: Ganun ba, magsprite ka muna kaya.
- Anino B: Di ako nauuhaw. Kaylangan ko makarating duon na mabilis, baka mapagsarhan ako ng pinto.
- Anino A: Umupo ka na lang muna, magpahinga, wala kasi ako makausap dito. Minsan malungkot ang nagmamasid lang, ang panuorin ang magulong mundo.
- Anino B: Langya, wag mo na ako pagtripan, humanap ka dyan ng matinong kausap, yung mga malalim mag isip, yung mga gustong pag usapan ang mundo, mabobored ka lang pag ako kausap mo. At baka mainis lang din ako, kaylangan ko ng umalis.
- Anino A: May tanung sana ako sayo. Sana may oras kang sumagot. Simple lang naman ito. Di mo na pag-iisipan ng matagal.
- Anino B: Sige pagbibigyan kita, pero yan na ang last, pagkatapos nyan pag magsalita ka pa, baka maisipan ko ng manapak.
- Anino A: Ginawa kita. Naniniwala ka? Sumasang-ayon ka?
- Anino B: Hindi. Hindi ako naniniwala, hindi ako sumasang-ayon. Hindi. Galing lang ako sa pinaghalong semilya at itlog ng magulang ko, labing walong taon na ang nakakaraan. Kung sabihin ko naman kayang ako ang gumawa sayo, maniniwala ka?
- Anino A: Tarantado, wala akong simula, wala akong katapusan. Ang meron lamang ay ang nasa gitna ng simula at katapusan.
- Anino B: Kung wala kang simula, isa ka lamang bilog, isang hugis na maraming beses ko nang naiguhit, nabura, nakulayan, nabuo, napunit, naapakan. Joke ba to?! kung ikaw si bilog, asan na si tatsulok, si parisukat, at si parihaba?
- Anino A: Wala na sila, makukulit kasi sila kaya pinasabog ko sa loob ng Bulkang Mayon. Ayaw kasi pumayag sa asymptote na pinaplano ko.
- Anino B: Astig ka din pala, mukhang matanda, puti ang buhok, panot, pero parang kanto boy ka kung magsalita.
- Anino A: Kung sabihin kong alam ko kung panu ka magsalita at mag-isip, kung sabihin kong nakikipagtalastasan ako in direct proportion with your capability to comprehend…
- Anino B: Kung anu man ang sasabihin mo, wala akong pakialam. Ang kaya ko lang ay makinig, magsalita.
- Anino A: Good! Sige pumunta ka na dun sa nebula blingbling, sa kanan yun ng alatiris constellation. Mamayang alas-singko, magsasarado na ang lagusan.
- Anino B: Panu mo nalaman kung saan ako pupunta?
- Anino A: Dahil ako ang gumawa sayo.. Ako ang direktor, ang teacher, ang driver, ang cameraman…
- Anino B: Anu to? Pinoy Big Brother?! May camera ba sa paligid ko nuong nabubuhay pa ako? Napapanuod mo ba ang bawat galaw ko sa bahay ni kuya?
- Anino A: Oo naman, ano ka inosente sa relihiyon?! Lahat ng mga mata sa mundo ang camerang ginagamit ko. Kahit nga dun sa duling o sa kirat, nagagamit ko, yun nga lang di maganda ang resolution.
- Anino B: Oo tanga ako sa religion. Muntik ko na nga ibagsak yung Religion 3 ko nung college. Pero, hindi ba madaya yun? Edi nuong nakikipagsex ako, nakikita mo lahat, at minuminuto nakikita mo ang libo libong taong nakikipagsex? Di ka ba naman naapektuhan sa mga napapanuod mo?
- Anino A: Not really, minsan wala ako sa mood manuod ng ganun. Pag mga rape scenes, malamang pinapanuod ko, at sinusundan ko yung rapist kung saan man sya pupunta, tapos uutusan ko ang mga matatabang butiki na taihan sya sa ulo pag dating sa bahay, o di kaya inuutusan ko ang mga mabahong ipis na pumasok sa pandesal bago sya mag almusal sa umaga.
- Anino B: Kung ikaw ang sinasabi mong ikaw, alam mo din bang ako ang lumikha sayo? Ako ang nagpinta ng hugis mo? Kung anu dapat ang height mo, ang weight mo, kung itim o asul ang mata mo. Kung may ari ka o wala. Kung ilan ang daliri mo sa paa, sa kamay , o kung may daliri ka din ba sa pusod mo. Kung english ka magsalita, french, o japanese. At higit sa lahat, kung kaylan ka buhay at kaylan ka namamatay.
- Anino A: Di mo ako nilikha, nilikha mo lamang ang paniniwala mong naniniwala ka, pero hinding hindi ikaw ang lumikha ng kung anu ang pinaniniwalaan mo. Dahil isa ka lamang manlalayag sa dagat ng mga paniniwala. At ni minsan di mo nagawang bumungkal ng bukal upang punuan ng tubig alat ang dagat.
- Anino B: Bago ako namatay, naisip kong ako ang diyos. Na ako, bilang galing sa bahagi ng kanyang kawalan, ay katulad nya.
- Anino A: Tama ka, you are godly. Pero hindi ibig sabihin nun na ikaw ang lumikha ng buhay. Na ikaw ang Syang pinaniniwalaan mo. Dahil kung ikaw ang Syang lumikha, di mo na sana pinaniwalaan na buhay ka. Na ang katawan mo ay nasasaling ng batang pulubi sa LRT.
- Anino B: Sige nakapuntos ka dun, ding dong! Let’s have a recap, ang makulit ay may isang puntos na, at ang kinukulit ay wala pa.
- Anino A: Ang saya mong kausap, sa lahat ng nakausap ko, ikaw ang may pinakamalakas na paniniwala. Ang paniniwalang binubuwag ng isa pang paniniwala, at dahil duon nalalaman mo kung anu ang katotohanan sa isang daan at walumpung diyos.
- Anino B: Panu mo nasabi? Sinabi ko bang naniniwala na ako sayo? E panu, kung sabihin ko sayo na isa ka lamang gamu-gamong lumalangoy sa hypotalamus ng utak ko. Na ni hindi mo matarok ang tayog ng aking paniniwala.
- Anino A: Hahaha. MAgaling.
- Anino B: Sige sige, tatapatin na kita, may diyos ako, at naniniwala ako na totoo sya, mula ng ako’y isilang hanggan sa namatay ang tanging patunay ko lamang ay ang mga damong tumutubo sa mga basurahan.
- Anino A: Magaling. Very artistic ang utak mo. Komplekadong pinait ng itak para maging payak.
- Anino B: Syempre, isipin mo na lamang, bakit mahilig tumubo ang mga damo sa tabi ng basurahan?! ang pagkakaalam ko, disenyo ito ng diyos, para at least matakpan ang mga basura, para pag may bisita sa bansa ng Pilipinas, e di ito makita.
- Anino A: Magaling ka, isama kaya kita sa langit. Ibigay ko kaya sa yo ang nararapat na kaluluklukan mo. Walang hanggang ligaya. Walang pag iisipan. Punong puno ng mga krayola na magagamit mo para maglibang. Mula ngayon, hanggang magiba ang kalawakan.
- Anino B: Ayoko, sa huling minuto ng buhay ko, nakapunta ako sa langit. Nilakbay ko ang paraiso kung saan napatunayan kong nabuhay ako. Sapat na iyon. At ngayong patay na ang katawan ko, pupunta ako dun sa nebula blingbling para sunugin ang kaluluwa ko, sa gayon, ang bawat atom sa kaluluwa ko ay kakalat sa kalawakan, at ako ay magiging kabahagi ng diyos, si kalawakan.
- Anino A: Kung sabihin ko sayo na ako ang diyos, at ako ay hindi isang gamugamo sa kukote mo? Na ako ang maylikha, ako ang may gawa, ako ang may sala.
- Anino B: Gusto mo?! Sipa?!
- Anino A: Masuwerte ka nga at nagpakita ako sayo.
- Anino B: Gusto mo?! Sipa?!
- Anino A: Ikaw pa lamang ang pinagpakitaan ko pagkatapos ang isang oras. So siguro pang number 3.2 ka na, times ten to the power of positive 2331.
- Anino B: Astig ka talaga, puro ka imbento, 2331? Naku, nakuha mo lang yan sa Pinoy Big Brother, kakatext ko pa nga lang para kay Jenny sa 2331 e. Sana talaga pumasok ulit sya.
- Anino A: Sige ipapasok ko sya ulit sa bahay ni Kuya kung sasama ka sa akin sa langit. Anu? Gusto mo?
- Anino B: Huwag na lang, matatapos na din naman na yun e. Teka teka, bakit di ka na lang sumama sa akin sa nebula blingbling, at sunugin mo na din ang kaluluwa mo. Kung ikaw ang diyos, alam mo na di ka masisira, di ka masusunog, dahil ikaw ang lahat at ang kawalan. Walang takot. May lungkot. May saya. Lahat ng emosyon, tumutulak papunta sa point (0,0) ng Cartesian Coordinate System. Na ang center of mass mo ay nasa gitna. Di makakagalaw. Nakakamasid. Nagagawa ang lahat sa kumpas ng hanging binubuyo ng isip. Kaya mo sanang patunayan ang tinuro mo sa lahat ng pilosopo sa lupa tungkol sa konsepto ng nothingness.
- Anino A: Ang hirap mo naman pilitin, sige alis na ako, napapagod lang ako sayo, aksaya ka lang sa oras. Tanrantado!
Anino A sa kanyang isip (gago yun a, pilisopo, pero mukhang isa sa mga mandirigma yun ng langit, tinalo ang kapangyarihan ko, marunong manubok, teka, may mamamatay na ulit in ten minutes, si ka loleng ni parokya ni edgar, hahaha, panibagong biktima, siguro dapat mukhang mabait at maamo ako, at dapat malalim ang boses pero malumanay, ?!)
- Anino B sa kanyang isip (gago din pala yun, tang ina nya, diyos daw sya, tapos anino lang?! ang alam ko dapat parang bumbilya pag nagpapakita ang diyos, alangan namang naubusan na ng starter ng bumbilya ang diyos, syaka isipin mo naman, minura nya ako! tang ina nya!)
- Anino C: Hoy iho, san papuntang langit?
- Anino B: Di ko alam, matandang hukluban. Pasensya na.
- Anino C: Hoy ihong barumbado, nasaan ang diyos? nakita mo ba sya?
- Anino B: Hoy tanda, sa tanda mo na yan, di mo nahulaan kung nasaan ang diyos? Nakita ko sya sa lupa. Pero kung kung gusto mo talagang makakita ng diyos…
- Anino B: Ayun o, sya raw.
Ito ay alay ko sa batang nangingikil sa labas ng SMCM, Saluysoy Gate. Minsan (minsan nuong akong diyes anyos pa laman) ako’y bumili ng zesto sa IS (International Supermarket), nang bigla ko syang nakita. At duon ay humingi sya ng zesto at nakipagkwentuhan sa labas na tindahan. Niyaya nya ako sa isang eskinita at sinabing uutang daw sya. May tutubusin daw syang baril, at sa kung anumang dahilan, tinanung nya ako kung magkano ang laman ng wallet ko. Akala ko wais na ako ng sinagot kong "isang daan lang ang pera ko", pero ang totoo may limang daan ako sa wallet ko nuon- ipon mula nuong nakaraang pasko. Subalit, mas wais pala sya, sabi nya "sige pakita ng wallet mo, pag hindi lang isang daan ang pera mo, kukunin ko lahat". Duon ako unang natakot, kasi kung anu ang hitsura nya, ganun din pala ang ugali nya, at sa eskinitang iyon ko nalaman na hinohold up na pala ako nung batang iyon (mga limang taon ang tanda nya sa akin, at mukhang labas pasok sa pigpen duon sa may outpost ng meycauayan, kung saan kinukulong ang mga nagjajaywalk). Sa makatuwid, naholdup nga ako, hindi lang isangdaan kundi limang daan at isang zesto. Umuwi ako ng wala lang. Kahit nuon pa naman, wala na akong pakialam. Pero laking gulat ko na lang, ng makita ko sya ulit sa tindahan malapit sa kanto namin. Di ko sya pinansin. Pagtalikod ko, nilagay ko na lamang ang kamay ko sa likod ko at tinuro ang gitnang daliri sa kanya habang nakatiklop ang iba pang mga daliri at sabay sabing "pakyu ka!", mahina lang.
Nawa’y maniwala sya duon sa Siyang naglalagay ng mga damo sa may basurahan. At mabuhay ng mabuti. Di bale na ang mukha nyang parang adik, mukhang parang nangayayat na demonyo, at salitang parang hari ng lagim. Basta para sa akin, sapat na ang paniwalaan nyang hindi sya ang pinakamalakas at ang pinakamagaling. Sapat na ang malaman nyang, may dahilan ang ibang tao kung bakit sila pumapasok ng simbahan. Kahit hindi na sya pumasok duon.