Paunang Paalala

                                  Bw_2

LAHAT NG AKDANG INYONG MABABASA, LITRATONG MAKIKITA, GAWANG-SINING NA MAPAGMAMASDAN, SA LOOB NG SITE NA ITO, AY GINAWA KO DAHIL WALA LANG… WAG KA NANG HUMIRIT… SIMPLE LANG NAMAN ANG MGA IYAN… MARAMI SA MGA IYAN AY MINADALI… PASENSYA SA MGA MALING GRAMMAR O MALING ISPELING… NAKAKATAMAD KASI MAG EDIT… MAS MASARAP PA ANG MAGYOSI KAYSA MAG EDIT.

Maraming babasahin ang naglalayong palawigin ang lawak ng iyong imahinasyon. Ang ilan ay nagnanais na makisimpatiya ka sa kung sino mang hudas o magdalena na gumagalaw sa loob ng mga pahina na inakada. Hindi ito sa anumang paraan gaya ng mga iyon.

Ako ang taong wala lang. Ang mga sinusulat ko ay kapwa babasahing wala lang. Walang pormang pinagplanuhan. Wala ni isang konseptong konkreto. Lahat ng titik ay dumadaloy gaya ng tubig alat sa dagat, o ng alikabok sa maruming hangin, o ng random numbers sa lotto.

Ang pamagat ng blog na ito ay "Seven Cigars". Nakuha ko lamang ang pamagat na ito sa pitong natitirang yosi sa kahang naiwan ko sa dark green kong bag, mahabang panahon na ang nakakaraan. Kumupas na nga ang kulay puting pabalat ng mga nangangayayat na yosi, nagkalat na din nga ang mga tabakong nawalan na ng amoy. Ngunit kahit ganun man ang trahedyang pinagdaan ng pitong sigarilyong iyon, ako’y nagpupugay sa imbentor nito. Sabi ko na sa iyo, wala lang talaga.

Ang mga komposisyon dito ay maaring tawaging "blokblok". Ito ang tunog ng usok ng sigarilyo. Di ko pa to naririnig, at sa palagay ko di mo rin ito mapapakinggan sa tanang buhay mo. Basta isipin mo na lang na may mga bagay na kaylangan mong paniwalaan na lamang, gaya ng "isipin mo na lang, ham yan". Nakita ko nuon ang isa sa barkada ko na naninigarilyo, mukha syang isdang lumalanghap ng hangin sa ibabaw ng tubig sa tuwing ibubuga nya ang usok na hinigop nya mula sa istik ng sigarilyo. Duon nagsimula ang alamat ng blokblok

Ito ay alay ko sa mga taong magaling tumulala habang naninigarilyo. Ito ay alay ko sa mga taong alam na makabuluhan ang mga bagay na para sa marami ay walang kabuluhan. Ito ay alay ko mga mahilig sa kape, sa mga mahilig sa drugs, at sa mga mahilig matulog. Ito ay alay ko sa puntod ni hudas, at sa nitso ni magdalena.

You may have all the time to wander around the world, see different colors of light, smell different scents of water, taste different ages of lambs, but you may not have a single minute to see what lies between here and there, and realise that the world is not just big, its limitless in the premise of eternity.

One Response to “Paunang Paalala”

  1. Tess Says:

    You really write well in Filipino. Grabe, inggit ako sa’yo. I must have tried several times already but I just can’t make the words sing and dance Filipino. I must be tone deaf.

Leave a Reply