Archive for October, 2005

In Grey Hope

Tuesday, October 25th, 2005

Cry

PART 1: Nightmare

Pagkatapos inumin ni Hadji ang malamig na tubig sa babasagin niyang baso, itinapon niya ang ilang gapatak ng tubig mula sa baso na iyon sa ashtray na nakapatong sa kanyang kama habang patuloy ang maigsi nang sigarilyo sa pag-usok. Sumagitsit ang baga ng sigarilyo sa hating-gabi tanda ng pagtatapos ng isang araw at ng kalahating gabi.

"Fuck the president. It’s time to sleep and get some rest. Fuck her." Sabi ni Hadji sa kanyang sarili. Tumayo siya mula sa gilid ng kama at lumakad patungo sa mababang kabinet na kinalalagyan ng kanyang telebisyon. Mabilis niyang pinindot ang buton ng telebisyong nag-iinit na sa paulit ulit na pagdaloy ng kuryete at pagbuga ng mga electrons, "Tonight on ANC… tskch." Namatay ang pagod na telebisyon at marahan siyang lumakad papunta sa gilid ng kwarto kung saan naroroon ang patayan at sindihan ng mga ilaw, at sa pagbilang niya ng isa…dalawa…tatlo… ay biglang lumapag ang dilim sa kabuuan ng kanyang malaking kwarto.

Gaya ng isang bulag, nilakad niya ang ilang hakbang papunta sa kanyang kama at kinapa ang mga unan. Ang unang mataba sa kanan kasama ang hotdog pillow, ang unang payat sa kaliwa kasama at unang mas mataba, at sa ulunan ang unang balingkinitan, di payat at di mataba. Humiga sya ng mabilis kasabay ng pagsara ng kanyang mga mata at kasabay din ng biglang pagbangon ng kanyang sekondaryang diwa.

Humilig siya sa kanyang kanan at niyakap ang mga unang katabi nya, sa kanyang isip patuloy na naglalaro ang mga balitang kanyang napanuod sa telebisyon at ang ilang mga bagay na gusto niyang mangyari kinabukasan sa kanyang paggising. Gaano man niya pilitin ang kanyang diwa na pumalaot sa kawalan, ay patuloy pa rin at ang iba’t ibang kulay na nagpipinta sa kanyang isip, ang ilang mga notang tumatalon mula sa tiklado ng isang piano papunta sa loob ng kanyang utak, ang ilang mga taong nagtatalumpati, kasama na duon ay ang ilang batalyon ng mga raliyista na sumisigaw ng "fuck the president".

Bigla-bigla sa gitna ng gabing yaon, nagulat ang kanyang mga mata na biglang binulag ng gakidlat na liwanag, sobrang bilis, sobrang liwanag, parang bumugang lusis na bigla ring namatay. Minulat nya ang kanyang mga mata upang tingnan kung may liwanag nga bang biglang dumaan sa kanyang harapan o kung ang mga natutulog na bumbilya ay biglang bumukas ng kusa. Ngunit patuloy ang katahimikan ng gabi at patuloy rin na patay ang liwanag. "Fuck that flickering light." sabi ng kanyang inaantoko ng kaisipan, pagod sa patuloy na pang-iistorbo ng mga istapa at mga kulay, ng mga raliyista at ng mga sigaw.

Napapagod na ang kanyang isip, at gusto ng magpahinga ng kanyang buong katawan kasama ang utak na tila umaalog mag-isa. Humilig siya sa kaliwa na may pag-asang mapapatulog siya ng mga unan sa gawing iyon, na silang kusang pipilay sa diwa nyang patuloy sa pagbalangkas ng mga imaheng kanina pa niya nakikita. Sa gitna ng gabing iyon, habang idinidiin ang pagkakapikit ng mga mata, ay bigla nyang narinig ang mabilis na pagbukas ng pinto sa kusina. Nagulat siya sa pangyayaring iyon at binalot ng takot ang kanyang buong katawa. Narinig nya ang marahang pagsasara ng parehong pinto, at narinig nya ang muling pagbukas nuon. Habang dumadagundong ang tunog ng mga yabag, alam niyang bumababa ng hagdan ang taong biglang pumasok. At ilang sandali pa ay bigla niya narinig ang kalansing ng metal ashtray na nanduon sa sala, ang langitngit ng pulang sofa, at ang tunog ng tila isang tinidor na paulit-ulit na iniuuntog salamin ng mesa sa gitna ng mga sofa. Alam niyang umupo ang tao duon sa sala, na parang namamasyal lamang sa isang malawak na parke, walang takot, walang pagkagambala, walang pagmamabilis. At sa kanyang isip, naglalaro maulit-ulit ang maaaring dahilan kung bakit pinasok ng taong iyon ang kanyang bahay, "papatayin nya ako".

Kasabay ng mabilis na pagtibok ng kanyang puso, ay narinig nya ang pagdausdos ng mga tsinelas sa malalaking tiles sa sala, at ang pagyabag ng mga paa papalapit sa kanyang kwarto. Alam niyang nag-iikot ang taong iyon sa harap ng kanyang kwarto. Mabagal na lumalakad, biglang bibilis na tila tumatakbo, babagal muli… lalakas ang mga yabag, at sa muling paglapag ng katahimikan ay bigla niya narinig ang mabagal na pag-ikot ng knob ng kanyang pinto. Takot na takot sya, ngunit hindi nya magalaw ang kanyang buong katawan. Dumidiin ang pag-ikot ikot ng knob, pabilis na pabilis, tila nagagalit na ang tao sa kabila ng pinto. Narinig nya ang tila kutsilyong pilit na nilalapat sa puwang ng pinto na pinupwersang idulas ang dila ng lock.

Biglang namulat ang mga mata ni Hadji. Sorbang lakas at bilis ng pagtibok ng kanyang puso, gusto niyang bumangon, ngunit tahimik na tahimik na ang buong kwarto, wala na ang mga yabag, wala na ang tunog ng  knob, ng kutsilyo, at ng pwersang nagbubukas ng kanyang pinto. Sa sandaling iyon, habang patuloy ang mabibilis na pagtibok ng puso, nagdasal siya at pinilit ituon ang isip sa imahe ng pinaniniwalaan niyang diyos.

Ilang minuto ang nagdaan, sa muling pagtiklop ng mga matang pagod na pagod, nakita niya ang kanyang sarili na nakayap na parang isang musmos na bata sa isang matandang nilalang, narinig niya ang malalim na boses ng matanda "ang tagal mo na dito." at sa kanyang pagtingala sa mukha ng nilalang, nakita niya ang mukha ng isang babaeng mestiza, ng isang matandang lalakeng puting puti ang buhok, ng bata babaeng kayumanggi ang balat, ng isang mandirigmang hari, ng isang prinsesang aleman, at duon nakaramdam siya ng pagkahimbing. Naalala niya ang kanilang mga mata, parepareho, at nasabi niya bago tuluyang nawala ang kanyang ulirat "sa paggising ko… tataya ako sa lotto."

Part 2: Traffic

"Bullshit kang cellphone ka!"

Makailang beses nag snooze ang alarm sa cellphone ni Hadji ng tig-teten minutes. Makailang ulit nyang narinig ang alarm tone na "Pinoy ako, pinoy tayo… ipakita sa mundo…" ngunit hanggang duon lamang umaabot ang tone na iyon sapagkat madaling nagigising si Hadji tuwing dadagundong ito upang gisingin sya, "Bang!" ang bagsak ng kanyang hinlalaki upang pindutin ang buton ng "SNOOZE". Sa ika-apat na ulit ng alarm, bumangon na si Hadji mula sa kamang tila ginapangan ng tatlong buwayang nag-aaway dahil halos mahubad ang bed sheet na nakabalot sa queen size niyang kama. Tatlumpung minutos ang kailangang bawiin ni Hadji para di ma-late sa kanyang pagpasok sa opisina, tatlumpung minutos na itinigal nya sa kama. Nagbawas sya ng five minutes sa pagkain ng almusal, five minutes sa paliligo, five minutes sa pagdadamit, five minutes sa pag-gegel at pagsusuklay, at ten minutes sa pagtulala sa loob ng kama habang sinasambit sa kanyang isip "Kung mananalo ako sa lotto, di ako gigising ng maaga. Iikutin ko ang buong mundo, pupunta ako sa India at hahanapin ang mga dalai lama. Magbabar ako araw araw sa Manhattan, sa Essex, sa Jordanstown, sa Makati, at dun sa kanto. Sa gabi, magpipinta ako, iguguhit ko ang mukha ng mga nagsungit sa akin sa bawat araw, at gagawan ko ng exhibit sa library ng UP na pinamagatang ‘Nang Maubusan ng Regla si Lola’".

Pagtingin nya sa kanyang relong tila nalulusaw sa ketong dahil sa pagiging sobrang acidic ng pawis nya sa braso, nasambit nya sa kangyang isip "Okay lang, mabilis naman ako magtrabaho sa office.". Muli nyang inilapat ang mga mata sa dingding at pinagpatuloy ang pagmomonologue sa isip "Ayoko naman maging nars, ayoko kayang magpaligo sa mga pasyenteng di ko kaano-ano, at kahit sa pasensyang ano ko. Ayoko din naman maging doktor, ayoko kayang on-call araw at gabi, pati sa panaginip on-call ka. Ayoko naman maging programmer, ayoko kaya ng paulit ulit na system loops, at paulit-ulit na syntax error. E kung maging singer kaya?!!… pwede."

Nang di pa matapos ang isip sa kakapasyal sa alapaap ng kawalan, patuloy nyang nilakbay ang diwang kinatutuwaan nyang pangarapin… ang maging presidente "Ibabalik ko ang agrikultura sa Pilipinas, buong Luzon at Mindanao. Sa Visayas naman, ilalagay ko ang ibat ibang lupon ng mga researchers at mga estudyanteng gustong maging scientist. Sa Luzon, ilalagay ko ang taniman ng bigas at tubo, sa Mindanao naman ang gulay at iba pang mga prutas. Sa Bacolod, ilalagay ko ang mga magpapakabihasa sa medicine. Sa Iloilo, mga magpapakabihasa sa engineering. Sa Cebu, mga magpapakabihasa sa business and economics. Sa Tacloban, naman yung mga pang-olympics. Sa Tagbilaran, yung mga lawyers. Saan kaya yung mga pintor at manunulat?… o sige sa Hundred Islands na lang sila kasi kaylangan kasi small groups lang sila, kung hindi magkakaroon ng philosological warfare. OO nga tama!"

di pa tapos… ipagpapatuloy next week ang part 2, yosi break lang muna.

Si Ka Losiang

Wednesday, October 12th, 2005
  •                 bang!C3_1
  •                 heavy it has gotten
  •                 then dropped without notice
  •                 on to the table
  •                 on to the table, dusty
  •                 his faced pressed
  •                 coldly,
  •                 hardly, static.
  •                (STOP)
  •                 happily, it stood there
  •                 a bottle of beer, stout and silent
  •                 near the right hand
  •                 near the right hand, onto the canvass
  •                 there, lying
  •                 coldly,
  •                 hardly, static.
  •                 (STOP)
  •                                                            Suddenly, in a second or two
  •                                                            colors slipped from the hand
  •                                                            gently travelled the table,
  •                                                            then ran like lightning
  •                                                            produced one great thunder,
  •                                                            loudly,
  •                                                            wildly, dramatic
  •                                                            onto the floor.
  •                                                           (STOP)
  •                                                           Swayed with the sound
  •                                                           like gunshot
  •                                                           like thunder
  •                                                           tears fell running
  •                                                           from the eyes
  •                                                           through the nose
  •                                                           to the table
  •                                                           to the canvass
  •                                                           (STOP)
  •                  Then he opened his eyes,
  •                  slowly,
  •                  gently, bravely.
  •                  It was clear.
  •                  An old woman facing him,
  •                  so beautiful,
  •                  colorful, and static.
  •                  (END)
  •                  Ka Losiang.

Ito ay alay ko sa mga matatanda. Sa mga nangulubot ang balat sa paulit ulit na pag ihip ng hangin sa loob ng ilang dekada, lima o mahigit pa. Syang nakaranas ng hirap, sa mga anak, apo, asawa, kaybigan, kaaway, at lalong lalo na sa mga labahin at mga damit na dapat plantsahin, sa mga kalderong kaylangan iskobahin, at mga kubentang kaylangang linisin. Syang mga tinatawag kong "old warriors of the tungsten light". Silang nakakaalam ng sekreto sa kweba ng pamilya nila eba at adan. Ang iba’y mga huklubang nakakainis, at ang iba’y maamo gaya ng mga santo o santa sa lupa. Pero anuman ang isipin ng iba, sila’y mga tunay na mandirigma, at nakaranas na ng ulan sa disyerto at tagtuyot sa binabahang meycauayan, bulacan. Sa kanilang lahay, ako’y nagpupugay.

S’YARAW

Monday, October 10th, 2005

Sa talampas ng bayang Tignal

  • Anino A: Psst… San ka pupunta?
  • Anino B: Duon, sa malayo. May hinahanap lang ako. May gagawin ako.
  • Anino A: Ganun ba, magsprite ka muna kaya.
  • Anino B: Di ako nauuhaw. Kaylangan ko makarating duon na mabilis, baka mapagsarhan ako ng pinto.
  • Anino A: Umupo ka na lang muna, magpahinga, wala kasi ako makausap dito. Minsan malungkot ang nagmamasid lang, ang panuorin ang magulong mundo.
  • Anino B: Langya, wag mo na ako pagtripan, humanap ka dyan ng matinong kausap, yung mga malalim mag isip, yung mga gustong pag usapan ang mundo, mabobored ka lang pag ako kausap mo. At baka mainis lang din ako, kaylangan ko ng umalis.
  • Anino A: May tanung sana ako sayo. Sana may oras kang sumagot. Simple lang naman ito. Di mo na pag-iisipan ng matagal.
  • Anino B: Sige pagbibigyan kita, pero yan na ang last, pagkatapos nyan pag magsalita ka pa, baka maisipan ko ng manapak.
  • Anino A: Ginawa kita. Naniniwala ka? Sumasang-ayon ka?
  • Anino B: Hindi. Hindi ako naniniwala, hindi ako sumasang-ayon. Hindi. Galing lang ako sa pinaghalong semilya at itlog ng magulang ko, labing walong taon na ang nakakaraan.  Kung sabihin ko naman kayang ako ang gumawa sayo, maniniwala ka?
  • Anino A: Tarantado, wala akong simula, wala akong katapusan. Ang meron lamang ay ang nasa gitna ng simula at katapusan.
  • Anino B: Kung wala kang simula, isa ka lamang bilog, isang hugis na maraming beses ko nang naiguhit, nabura, nakulayan, nabuo, napunit, naapakan. Joke ba to?! kung ikaw si bilog, asan na si tatsulok, si parisukat, at si parihaba?
  • Anino A: Wala na sila, makukulit kasi sila kaya pinasabog ko sa loob ng Bulkang Mayon. Ayaw kasi pumayag sa asymptote na pinaplano ko.
  • Anino B: Astig ka din pala, mukhang matanda, puti ang buhok, panot, pero parang kanto boy ka kung magsalita.
  • Anino A: Kung sabihin kong alam ko kung panu ka magsalita at mag-isip, kung sabihin kong nakikipagtalastasan ako in direct proportion with your capability to comprehend…
  • Anino B: Kung anu man ang sasabihin mo, wala akong pakialam. Ang kaya ko lang ay makinig, magsalita.
  • Anino A: Good! Sige pumunta ka na dun sa nebula blingbling, sa kanan yun ng alatiris constellation. Mamayang alas-singko, magsasarado na ang lagusan.
  • Anino B: Panu mo nalaman kung saan ako pupunta?
  • Anino A: Dahil ako ang gumawa sayo.. Ako ang direktor, ang teacher, ang driver, ang cameraman…
  • Anino B: Anu to? Pinoy Big Brother?! May camera ba sa paligid ko nuong nabubuhay pa ako? Napapanuod mo ba ang bawat galaw ko sa bahay ni kuya?
  • Anino A: Oo naman, ano ka inosente sa relihiyon?! Lahat ng mga mata sa mundo ang camerang ginagamit ko. Kahit nga dun sa duling o sa kirat, nagagamit ko, yun nga lang di maganda ang resolution.
  • Anino B: Oo tanga ako sa religion. Muntik ko na nga ibagsak yung Religion 3 ko nung college. Pero, hindi ba madaya yun? Edi nuong nakikipagsex ako, nakikita mo lahat, at minuminuto nakikita mo ang libo libong taong nakikipagsex? Di ka ba naman naapektuhan sa mga napapanuod mo?
  • Anino A: Not really, minsan wala ako sa mood manuod ng ganun. Pag mga rape scenes, malamang pinapanuod ko, at sinusundan ko yung rapist kung saan man sya pupunta, tapos uutusan ko ang mga matatabang butiki na taihan sya sa ulo pag dating sa bahay, o di kaya inuutusan ko ang mga mabahong ipis na pumasok sa pandesal bago sya mag almusal sa umaga.
  • Anino B: Kung ikaw ang sinasabi mong ikaw, alam mo din bang ako ang lumikha sayo? Ako ang nagpinta ng hugis mo? Kung anu dapat ang height mo, ang weight mo, kung itim o asul ang mata mo. Kung may ari ka o wala. Kung ilan ang daliri mo sa paa, sa kamay , o kung may daliri ka din ba sa pusod mo. Kung english ka magsalita, french, o japanese. At higit sa lahat, kung kaylan ka buhay at kaylan ka namamatay.
  • Anino A: Di mo ako nilikha, nilikha mo lamang ang paniniwala mong naniniwala ka, pero hinding hindi ikaw ang lumikha ng kung anu ang pinaniniwalaan mo. Dahil isa ka lamang manlalayag sa dagat ng mga paniniwala. At ni minsan di mo nagawang bumungkal ng bukal upang punuan ng tubig alat ang dagat.
  • Anino B: Bago ako namatay, naisip kong ako ang diyos. Na ako, bilang galing sa bahagi ng kanyang kawalan, ay katulad nya.
  • Anino A: Tama ka, you are godly. Pero hindi ibig sabihin nun na ikaw ang lumikha ng buhay. Na ikaw ang Syang pinaniniwalaan mo. Dahil kung ikaw ang Syang lumikha, di mo na sana pinaniwalaan na buhay ka. Na ang katawan mo ay nasasaling ng batang pulubi sa LRT.
  • Anino B: Sige nakapuntos ka dun, ding dong! Let’s have a recap, ang makulit ay may isang puntos na, at ang kinukulit ay wala pa.
  • Anino A: Ang saya mong kausap, sa lahat ng nakausap ko, ikaw ang may pinakamalakas na paniniwala. Ang paniniwalang binubuwag ng isa pang paniniwala, at dahil duon nalalaman mo kung anu ang katotohanan sa isang daan at walumpung diyos.
  • Anino B: Panu mo nasabi? Sinabi ko bang naniniwala na ako sayo? E panu, kung sabihin ko sayo na isa ka lamang gamu-gamong lumalangoy sa hypotalamus ng utak ko. Na ni hindi mo matarok ang tayog ng aking paniniwala.
  • Anino A: Hahaha. MAgaling.
  • Anino B: Sige sige, tatapatin na kita, may diyos ako, at naniniwala ako na totoo sya, mula ng ako’y isilang hanggan sa namatay ang tanging patunay ko lamang ay ang mga damong tumutubo sa mga basurahan.
  • Anino A: Magaling. Very artistic ang utak mo. Komplekadong pinait ng itak para maging payak.
  • Anino B: Syempre, isipin mo na lamang, bakit mahilig tumubo ang mga damo sa tabi ng basurahan?! ang pagkakaalam ko, disenyo ito ng diyos, para at least matakpan ang mga basura, para pag may bisita sa bansa ng Pilipinas, e di ito makita.
  • Anino A: Magaling ka, isama kaya kita sa langit. Ibigay ko kaya sa yo ang nararapat na kaluluklukan mo. Walang hanggang ligaya. Walang pag iisipan. Punong puno ng mga krayola na magagamit mo para maglibang. Mula ngayon, hanggang magiba ang kalawakan.
  • Anino B: Ayoko, sa huling minuto ng buhay ko, nakapunta ako sa langit. Nilakbay ko ang paraiso kung saan napatunayan kong nabuhay ako. Sapat na iyon. At ngayong patay na ang katawan ko, pupunta ako dun sa nebula blingbling para sunugin ang kaluluwa ko, sa gayon, ang bawat atom sa kaluluwa ko ay kakalat sa kalawakan, at ako ay magiging kabahagi ng diyos, si kalawakan.
  • Anino A: Kung sabihin ko sayo na ako ang diyos, at ako ay hindi isang gamugamo sa kukote mo? Na ako ang maylikha, ako ang may gawa, ako ang may sala.
  • Anino B: Gusto mo?! Sipa?!
  • Anino A: Masuwerte ka nga at nagpakita ako sayo.
  • Anino B: Gusto mo?! Sipa?!
  • Anino A: Ikaw pa lamang ang pinagpakitaan ko pagkatapos ang isang oras. So siguro pang number 3.2 ka na, times ten to the power of positive 2331.
  • Anino B: Astig ka talaga, puro ka imbento, 2331? Naku, nakuha mo lang yan sa Pinoy Big Brother, kakatext ko pa nga lang para kay Jenny sa 2331 e. Sana talaga pumasok ulit sya.
  • Anino A: Sige ipapasok ko sya ulit sa bahay ni Kuya kung sasama ka sa akin sa langit. Anu? Gusto mo?
  • Anino B: Huwag na lang, matatapos na din naman na yun e. Teka teka, bakit di ka na lang sumama sa akin sa nebula blingbling, at sunugin mo na din ang kaluluwa mo. Kung ikaw ang diyos, alam mo na di ka masisira, di ka masusunog, dahil ikaw ang lahat at ang kawalan. Walang takot. May lungkot. May saya. Lahat ng emosyon, tumutulak papunta sa point (0,0) ng Cartesian Coordinate System. Na ang center of mass mo ay nasa gitna. Di makakagalaw. Nakakamasid. Nagagawa ang lahat sa kumpas ng hanging binubuyo ng isip. Kaya mo sanang patunayan ang tinuro mo sa lahat ng pilosopo sa lupa tungkol sa konsepto ng nothingness.
  • Anino A: Ang hirap mo naman pilitin, sige alis na ako, napapagod lang ako sayo, aksaya ka lang sa oras. Tanrantado!

C2_1 Anino A sa kanyang isip (gago yun a, pilisopo, pero mukhang isa sa mga mandirigma yun ng langit, tinalo ang kapangyarihan ko, marunong manubok, teka, may mamamatay na ulit in ten minutes, si ka loleng ni parokya ni edgar, hahaha, panibagong biktima, siguro dapat mukhang mabait at maamo ako, at dapat malalim ang boses pero malumanay, ?!)

  • Anino B sa kanyang isip (gago din pala yun, tang ina nya, diyos daw sya, tapos anino lang?! ang alam ko dapat parang bumbilya pag nagpapakita ang diyos, alangan namang naubusan na ng starter ng bumbilya ang diyos, syaka isipin mo naman, minura nya ako! tang ina nya!)
  • Anino C: Hoy iho, san papuntang langit?
  • Anino B: Di ko alam, matandang hukluban. Pasensya na.
  • Anino C: Hoy ihong barumbado, nasaan ang diyos? nakita mo ba sya?
  • Anino B: Hoy tanda, sa tanda mo na yan, di mo nahulaan kung nasaan ang diyos? Nakita ko sya sa lupa. Pero kung kung gusto mo talagang makakita ng diyos…
  • Anino B: Ayun o, sya raw.

Ito ay alay ko sa batang nangingikil sa labas ng SMCM, Saluysoy Gate. Minsan (minsan nuong akong diyes anyos pa laman) ako’y bumili ng zesto sa IS (International Supermarket), nang bigla ko syang nakita. At duon ay humingi sya ng zesto at nakipagkwentuhan sa labas na tindahan. Niyaya nya ako sa isang eskinita at sinabing uutang daw sya. May tutubusin daw syang baril, at sa kung anumang dahilan, tinanung nya ako kung magkano ang laman ng wallet ko. Akala ko wais na ako ng sinagot kong "isang daan lang ang pera ko", pero ang totoo may limang daan ako sa wallet ko nuon- ipon mula nuong nakaraang pasko. Subalit, mas wais pala sya, sabi nya "sige pakita ng wallet mo, pag hindi lang isang daan ang pera mo, kukunin ko lahat". Duon ako unang natakot, kasi kung anu ang hitsura nya, ganun din pala ang ugali nya, at sa eskinitang iyon ko nalaman na hinohold up na pala ako nung batang iyon (mga limang taon ang tanda nya sa akin, at mukhang labas pasok sa pigpen duon sa may outpost ng meycauayan, kung saan kinukulong ang mga nagjajaywalk). Sa makatuwid, naholdup nga ako, hindi lang isangdaan kundi limang daan at isang zesto. Umuwi ako ng wala lang. Kahit nuon pa naman, wala na akong pakialam. Pero laking gulat ko na lang, ng makita ko sya ulit sa tindahan malapit sa kanto namin. Di ko sya pinansin. Pagtalikod ko, nilagay ko na lamang ang kamay ko sa likod ko at tinuro ang gitnang daliri sa kanya habang nakatiklop ang iba pang mga daliri at sabay sabing "pakyu ka!", mahina lang.

Nawa’y maniwala sya duon sa Siyang naglalagay ng mga damo sa may basurahan. At mabuhay ng mabuti. Di bale na ang mukha nyang parang adik, mukhang parang nangayayat na demonyo, at salitang parang hari ng lagim. Basta para sa akin, sapat na ang paniwalaan nyang hindi sya ang pinakamalakas at ang pinakamagaling. Sapat na ang malaman nyang, may dahilan ang ibang tao kung bakit sila pumapasok ng simbahan. Kahit hindi na sya pumasok duon.

Soul Sung Lullaby

Monday, October 10th, 2005

my life is not complete, probably to achieve the greatest, the minute i will die; my song lacks two lines, a tale of love for the first, and a tale of hatred for the last;         

a stick of cigar is not enough, i need more packs for days to come, to accompany my date with mary’s, theresa’s, and anna’s; my canvasses are not framed yet, i want it made raw, just shades of black and orange, no wood no metal to exaggerate its sharpness;

i make use of a pen which lead shortens continuously; i make use of my thumb which skin softens every stroke with my canvass; i make use of my eyes which sight gets bored with the pale white wall;

my life is not complete, for everyday i need a pack of cigars; my song lacks two lines, for there are still magdalene, cristina, and johanna to tell me tales of love and of hatred; the canvasses are not framed yet, for… for… for… (mental block)

wala lang… sabi sayo talagang wala lang e, kala mo seryoso no! ang gusto ko lang sabihin, ang ganda ng tono nung panghele ni nanay na may pamagat na "sa ugoy ng duyan", pero okay din naman  ang alternative rock music, kasi parang ako ang hindi pagiging maayos ng mga nota nuon, sigaw C1_1sigaw, hiyaw hiyaw,  pero wala lang. pwede mo na nga wag intindihin ang lyrics ng mga rock songs, kasi sa mga nota pa lang ng musikang ganun, alam mo na na naglalabas lang ng bugso ng loob ang mang aawit pero pagkatapos wala lang din, parang pag-ebs, pagkatapos… wala na. most things are like that, it’s over when it ends. that is why, the middle part of this composition illustrates the use of a pen and of the thumb, to convey that we must not just enjoy the completed painted canvass, we must as well enjoy the process by which colors are being mixed and strokes being done. cruel it may be, but that is how things work, all fades in its end… at kahit ilang beses pang awitin ni nanay, ni tatay, ni kaybigan, o ni aleng neli, ang "sana’y di magmaliiiiiwwww…" matatapos din ang daloy ng mga nota sa tiklado na Techics Organ, mauubos ang Staffs sa manipis at green na music notebook… at sa huli maiisip mo na kahit wala lang, at least nag-enjoy.

Paunang Paalala

Thursday, October 6th, 2005

                                  Bw_2

LAHAT NG AKDANG INYONG MABABASA, LITRATONG MAKIKITA, GAWANG-SINING NA MAPAGMAMASDAN, SA LOOB NG SITE NA ITO, AY GINAWA KO DAHIL WALA LANG… WAG KA NANG HUMIRIT… SIMPLE LANG NAMAN ANG MGA IYAN… MARAMI SA MGA IYAN AY MINADALI… PASENSYA SA MGA MALING GRAMMAR O MALING ISPELING… NAKAKATAMAD KASI MAG EDIT… MAS MASARAP PA ANG MAGYOSI KAYSA MAG EDIT.

Maraming babasahin ang naglalayong palawigin ang lawak ng iyong imahinasyon. Ang ilan ay nagnanais na makisimpatiya ka sa kung sino mang hudas o magdalena na gumagalaw sa loob ng mga pahina na inakada. Hindi ito sa anumang paraan gaya ng mga iyon.

Ako ang taong wala lang. Ang mga sinusulat ko ay kapwa babasahing wala lang. Walang pormang pinagplanuhan. Wala ni isang konseptong konkreto. Lahat ng titik ay dumadaloy gaya ng tubig alat sa dagat, o ng alikabok sa maruming hangin, o ng random numbers sa lotto.

Ang pamagat ng blog na ito ay "Seven Cigars". Nakuha ko lamang ang pamagat na ito sa pitong natitirang yosi sa kahang naiwan ko sa dark green kong bag, mahabang panahon na ang nakakaraan. Kumupas na nga ang kulay puting pabalat ng mga nangangayayat na yosi, nagkalat na din nga ang mga tabakong nawalan na ng amoy. Ngunit kahit ganun man ang trahedyang pinagdaan ng pitong sigarilyong iyon, ako’y nagpupugay sa imbentor nito. Sabi ko na sa iyo, wala lang talaga.

Ang mga komposisyon dito ay maaring tawaging "blokblok". Ito ang tunog ng usok ng sigarilyo. Di ko pa to naririnig, at sa palagay ko di mo rin ito mapapakinggan sa tanang buhay mo. Basta isipin mo na lang na may mga bagay na kaylangan mong paniwalaan na lamang, gaya ng "isipin mo na lang, ham yan". Nakita ko nuon ang isa sa barkada ko na naninigarilyo, mukha syang isdang lumalanghap ng hangin sa ibabaw ng tubig sa tuwing ibubuga nya ang usok na hinigop nya mula sa istik ng sigarilyo. Duon nagsimula ang alamat ng blokblok

Ito ay alay ko sa mga taong magaling tumulala habang naninigarilyo. Ito ay alay ko sa mga taong alam na makabuluhan ang mga bagay na para sa marami ay walang kabuluhan. Ito ay alay ko mga mahilig sa kape, sa mga mahilig sa drugs, at sa mga mahilig matulog. Ito ay alay ko sa puntod ni hudas, at sa nitso ni magdalena.

You may have all the time to wander around the world, see different colors of light, smell different scents of water, taste different ages of lambs, but you may not have a single minute to see what lies between here and there, and realise that the world is not just big, its limitless in the premise of eternity.